Liked on YouTube: Paano Lutuin ang Tomato and Garlic Pasta | 3 mahahalagang sangkap lang at solb ka na dito!

Paano Lutuin ang Tomato and Garlic Pasta | 3 mahahalagang sangkap lang at solb ka na dito!

TOMATO AND GARLIC PASTA Isang masarap at murang pasta recipe na may tatlong mahahalang sangkap (tomato, garlic at spaghetti pasta)🀫 Meatless itong recipe na ito kaya pwedeng pwede para sa mga vegetarian! Fresh ingredients din ang ginamit kaya naman perfect din ito para sa mga health conscious❤️❤️❤️ TOMATO AND GARLIC PASTA? Paano lutuin? Ingredients: πŸ“Œ400g cooked Spaghetti Pasta πŸ“Œ2 Whole Garlic (chopped) πŸ“Œ10 pcs. Medium sized Tomatoes (sliced) πŸ“Œ2 tbsp. Soy Sauce πŸ“Œ2 tbps. Oyster Sauce πŸ“Œ1/2 cup brown sugar πŸ“Œ1 tsp. pepper πŸ“Œcooking oil for frying πŸ“ŒParmesan Cheese (optional) Procedure: 1. Lutuin ang garlic sa mainit na mantika hanggang maging golden at crispy. Siguraduhing hindi masusunog ang bawang. Kapag golden brown na ang bawang, hanguin sa mantika at i set-aside. 2. Mula sa mantikang pinaglutuin ng bawang, magtabi ng 3 tbsp para magamit sa pag gisa ng sumunod na ingredients. 3. Ilagay sa mainit na kawali, ilagay ang itinabing mantika at ilagay ang sliced tomatoes. Igisa ng mabuti hanggang lumambot ang kamatis. 4. Ilagay ang itinabing bawang at isama sa pag gisa. (NOTE: Huwag ubusin lahat ng bawang. Magtira para ilagay bilang toppings pag luto na). Hinaan ang apoy. 5. Pag na gisa na ng mabuti ang bawang at kamatis, ilagay na ang toyo, oyster sauce, paminta at brown sugar. Haluin mabuti. Maaring magdagdag ng paminta o iba pang sangkap ayon sa inyong panlasa. 6. Kapag nahalo na ng mabuti ang mga sangkap, ilagay na ang lutong spaghetti pasta. Ihalo ng mabuti sa sauce. 7. Hanguin at maari ng i-serve! Ilagay ang itinabing bawang sa ibabaw. Pwede ring maglagay ng Parmesan Cheese at basil sa ibabaw para sa mas magandang i-serve. Napasarap i-pares ang TOMATO AND GARLIC PASTA sa wheat bread toast! Music: https://bit.ly/2XzBY6m
via YouTube https://www.youtube.com/watch?v=JRVMfsdltq0

Comments

Popular Posts